12,000 pulis, wanted

CAMP CRAME – AABOT sa 12,000 bagong recruit o personnel ang kailangan ng Philippine National Police (PNP) para sa taong kasalukuyan.

Ayon kay PNP Chief, Dir. Gen. Raul Bacalzo, magkakaroon ng physical, dental at medical examination para sa mga aplikante na magiging PO1 at idi-deploy sa 17 police regional offices.

Sinabi naman ni PNP Spokesman, Chief Supt Agrimero Cruz Jr. na nasa 2nd phase na ang recruitment para mapunuan ang pangangailangan at isusunod na nila ang final committee review.

Una nang dumaan ang mga aplikante sa physical agility test, na sinundan naman ng psychiatric exam. Tatanggap ang mga mahihirang na bagong pulis ng P18,000 starting monthly salary.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.