12 Vietnamese Kulong sa Illegal Fishing

INIHAHANDA NA ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang kaso laban sa 12 Vietnamese na naaresto habang iligal na nangingisda sa karagatang sakop ng Bongao, Tawi-Tawi.

Ayon kay BFAR Director Asis Perez, bukod sa kasong kriminal, mahaharap din ang mga Vietnamese sa kasong paglabag sa Fisheries Code at Wildlife Act, kung saan pagmumultahin sila ng hanggang P1 milyon o kaya’y maaaring maharap sa 20 taong kulong.

Una nang naaresto ng magkasanib na puwersa ng BFAR at Philippine Coast Guard (PCG) ang mga Vietnamese na nakuhanan ng 50 patay na pawikan, lapu-lapu, isdang mameng at black corals.

Plano naman ng BFAR na i-preserve na lamang ang mga patay na pawikan at i-donate sa mga eskwelahan upang mapag-aralan.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.