12, tepok sa sunog

LABING DALAWA ANG namatay matapos masunog at hindi makalabas sa naglalagablab nilang bahay sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay SFO3 Domingo Gastilo ng Navotas Fire Station, nakilala ang mga nasawi na sina William Agarin, 59, at anak nitong si Jennifer, 39; mga apong sina Justine, 3, at Arvy, 6 months old; magkakapatid na Jeruz Salonga, 12; Natalia, 11 at Angela, 10; magkapatid na Gerald, 28, at Carlito Blancaflor, 25; George Milagroso, 28; Remedios Ortillana at Eric Tambor, mga residente ng Extension A. Liongson, Brgy. San Roque, Navotas City.

Sa imbestigasyon ni SFO3 Gastilo, pasado alas-11:00 ng gabi nang magsimula ang sunog sa bahay ni Milagroso na umano’y may diperensiya sa pag-iisip.

Nabatid na pinaglaruan ni Milagroso ang posporo at gasera hanggang sa magliyab ang kanilang sala.

Dahil himbing sa pagkakatulog ang mga residente roon, hindi nila namalayan ang pagkalat ng apoy sa iba pang kabahayan.

“Halos lahat ng bahay ay yari sa kahoy kaya madaling masunog,” paliwanag ni Gastilo.

Sa lakas ng apoy, nasunog din ang San Roque Elementary School na malapit sa bahay ng mga nasunugan.

Bandang alas-2:00 ng ma-daling araw nang ideklarang under control ang sunog at alas-4:00 nang tuluyan itong maapula.

Hindi pa mabatid ng arson investigator kung magkano ang halaga ng tinupok ng apoy na umabot sa ika-limang alarma.

Patuloy pa rin ang rescue operation ng mga bumbero kung mayroon pang bangkay na na-trap sa nasabing sunog.       (Roman Magpoc).

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.