12 Sugatan sa Bumagsak na Pader

KASALUKUYANG PINAGBABAWALAN ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MRRMO) ang ilang residente ng San Antonio, San Pedro sa lalawigan ng Laguna na manatili sa kanilang mga bahay matapos gumuho ang pader sa ilang kabahayan.

Maaalala na 12 ang nasaktan sa pagbagsak ng istraktura na hinihinalang dulot ng malakas na pagbuhos ng ulan at paghina ng pundasyon nito.

Ginagamot na ang mga biktima na karamihan ay nagtamo ng matinding bugbog na dulot ng debris ng kanilang mga bahay.

Ayon sa kautusan ng mga lokal na opisyal, hindi papayagan ang mga residente na manatili sa lugar dahil nakitaan na rin ng mga bitak ang iba pang bahagi ng pader.

Samantala, nananatili ang 18 pamilyang nawalan ng bahay sa barangay hall ng San Antonio.

Sa ngayon, tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kanilang tutulungan ang mga naapektuhan sa insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.