12 Pulis Promdi, Nasa Drug Watchlist

LABINDALAWANG PULIS ang nasa watchlist ng awtoridad makaraang iugnay ang mga ito sa illegal drugs partikular sa region 12 o bahagi ng Mindanao.

Sa ulat, kinumpirma ni PNP 12 Director, Chief Supt. Charles Calima Jr. na kasama sa nasa watchlist ng intelligence unit si P02 Villamor Domingo Jr. dahil sa nasabing kaso.

Si Domingo ay kinasuhan na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 12 matapos mahulihan ng Shabu sa buy-bust operation kamakailan.

Ayon kay Calima, sa ngayon ay kanilang mino-monitor ang iba pang mga pulis na may kinalaman sa ilegal na droga.

Habang dalawang pulis sa lungsod ang posibleng masibak sa serbisyo sahil sa droga.

Sinabi ni Calima na magsasagawa sila ng summary dismissal proceedings laban kina SPO3 Rey Casamayor at PO2 Domingo Jr.

Si Casamayor ay patuloy na hinahanap sa ngayon matapos makatakas sa isinagawang operasyon ng pulisya, habang si Domingo ay nakabilanggo sa selda ng PDEA.

  (S. CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.