12 Patay; 531 Sugatan sa Semana Santa

UMAABOT NA sa 12 katao ang naitalang nasawi habang nasa 531 naman ang sugatan mula sa iba’t ibang mga insidente kaugnay sa paggunita ng Semana Santa.

Lumalabas sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabi-lang sa mga naidagdag sa kanilang listahan ay ang tatlong mga namatay sa pagkalunod habang isa naman ang nawawala.

Kinilala ng NDRRMC ang mga naging biktima na sina Roland Deo, 33, na nalunod sa Sitio Batog, Barangay Arnedo at Bolinao, Pangasinan.

Naidagdag pa sa talaan si Deo, residente ng Caloocan City at dinala sa Rillera Medical Hospital na agad namang binawian ng buhay.

Habang nasawi naman nang matagpuan kamakailan ang isang Felimon Aclan, 25, sa San Agustin Silangan, Isla Verde, Batangas City.

Samantala, sa 12 mga namatay, anim sa mga ito ay nagmula sa Region 4-A (CALABARZON), tatlo sa Cagayan Valley habang isa naman ay nagmula sa Ilocos, Region 10 at Caraga.

Pinakamarami naman sa mga naitalang 531 na nasugatan ay mula sa Metro Manila na may 493; 24 mula sa Region 4-A, pito sa Cagayan Valley, anim sa Region 10, at isa mula sa Central Luzon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.