12 namatay sa sunog, ipalilibing nang libre

MAKAAASA ANG MGA pamilya ng mga 12 katao na namatay sa sunog noong Sabado na sasagutin ng pamahalaang lokal ng Navotas ang pagpapalibing ng mga ito.

Ayon kay Navotas City Mayor John Rey Tiangco, sa pamamagitan ng libreng libing program ng lokal na pamahalaan ay hindi na magkakaproblema ang mga namatayan sa naganap na sunog dahil sasagutin ng lokal na pamahalaan ang pagpapalibing sa mga ito.

Bukod dito, siniguro rin ng alkalde na hindi maapektuhan ang pag-aaral ng mga estudyante sa San Roque National High School, kung saan dinala ang mga naapektuhang pamilya.

Sinabi nito na nakatakda na nilang ilipat sa covered court ang mga pamilyang nasunugan nang sa gayon ay hindi maapektuhan ang pag-aaral ng mga estudyante.

Matatandaang dakong alas-11:08 ng gabi noong Sabado nang magsimula ang sunog sa bahay ng isang nag-ngangalang George Milagroso at agad na kumalat sa mga kalapit-bahay na nagresulta sa pagkatusta sa labing-isang katao habang inatake naman sa puso ang isa pa na naging dahilan din ng pagkamatay nito.            (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.