12 Mataas na Opisyal, Apektado: P-NOY, BINALASA ANG AFP

AFPINAPRUBAHAN NI PANGULONG Benigno Aquino III ang pinakahuling balasahan sa loon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), kung saan 12 matataas na opisyal ang apektado, ayon sa AFP.

Sabi ni Chief of Staff Ricardo David, Jr. na ang pagbabago sa pamunuan ng sandatahan ay bahagi ng paglago at dinamismo sa organisasyon ng militar, kasunod ng pagreretiro ng ilang senior officers.

Kabilang sa mga nabigyan ng bagong posisyon ay sina Lieutenant General Reynaldo Mapagu, na iiwan ang kanyang puwesto bilang commander ng Philippine Army para palitan si retired Lt. Gen. Nestor Ochoa bilang AFP vice chief of staff.

Magte-take over naman si Major General Arturo Ortiz bilang commander ng Philippine Army. Hahawakan naman ni Brigadier General Roberto Morales iiwang puwesto ni Ortiz bilang commander ng AFP Special Operations Command.

Sa kabilang banda, mapupunta naman kay Colonel Aminkadra Undug ang dating puwesto ni Morales bilang chief Army’s Special Forces Regiment.

Samantala, itinalaga naman si AFP spokesman Brig. Gen. Jose Mabanta bilang pinuno ng AFP Civil Relations Service kapalit ni Brig. Gen. Francisco Cruz Jr. na hahawakan naman ang bagong puwesto bilang deputy chief of staff for intelligence.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.