12 Katao, Timbog sa Buy-Bust

ARESTADO ANG labing-dalawang  katao kabilang ang isang babae sa magkakahiwalay na buy-bust operation na isinagawa ng mga operatiba ng lungsod ng Meycauayan at ng mga bayan ng Norzagaray, Paombong , Bustos at Hagonoy sa Bulacan.

Sa report na natanggap ni Bulacan police director Senior Supt. Joel Sabio Orduña, kinilala ang mga naarestong suspek na sina Aridel Del Rosario, 37 anyos, residente ng 34 Sitio Visita Malhacan; Apple Ignacio, 23, walang trabaho, ng 579 Bancal Extension, Meycauayan City; Ralph Alvin Quiroga, 26, ng 30 F. Lazaro St., Tanumay; Jerbie Albesa, 19, ng 13 Rubyville, pawang sa Valenzuela City; Richie Pronebo, 36, tricycle driver; Harvin Peraman, 24, pawang taga-Sitio Curvada, Brgy. Minuyan, Norzagaray; Michael Gatchalian, 31, residente ng Sitio Pulo, Brgy. San Isidro 1, Paombong; at Candido alias Eddie, 54, may-asawa at taga-Purok 5, Sto. Niño, Hagonoy, Bulacan.

Ayon kay Meycauayan police chief Supt. Rafmil Corpuz, nahuli sina Del Rosario kasama si Ignacio sa isang buy-bust operation matapos na mag-report ang isang concerned citizen sa iligal na aktibidades ng mga suspek.

Kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency, nahuli ng city police ang mga suspek matapos magbenta na mga ito sa police asset sa Brgy. Bangcal Extension sa drug operation bandang alas-7:35 ng gabi.

Sa Norzagaray, arestado sina Pronebo at Peraman bandang alas-9 ng gabi matapos makuhanan ng dalawang plastic sachet na may lamang Shabu na may street value na P1,000 sa Brgy. Minuyan.

Sa Paombong, nadakip sa pangunguna ni PO3 Rufino Victoria Jr, chief ng drugs enforcement unit si Gatchalian na may bitbit na 2 sachet ng Shabu.

Huli naman si Laderas sa Brgy. Sto. Niño, Hagonoy, Bulacan, matapos magsagawa ng buy-bust operation ang lokal na pulisya katuwang ang PDEA Region 3.

Arestado rin ang apat pa sa bayan ng Bustos habang nagpa-pot session sa Brgy. Talampas. Kinilala ang mga nadakip na sina Vibson Jimenez, 31; Jonalyn Macat, 28; Roberto Paraon Jr., 23; at Arthur Dela Cruz, 37.

Ang mga suspek at mga ebidensiya ay dinala sa Bulacan Provincial Crime Laboratory para sa drug test at examination habang inihahanda ang mga kaso laban sa kanila.

 (TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.