12 katao, na-rescue sa tumaob na motor banca sa Cebu

CEBU CITY – NASA maayos nang kundisyon ang 10 pasahero at dalawang crew matapos mailigtas mula sa tumaob na motor banca sa karagatan ng Caohagan Island.

Natanggap ng Philippine Coast Guard (PCG-7) ang alarma sa lumubog na MCBA Motor Banca Green Island ganap na alas-2:37 kahapon ng madaling araw na agad nirespondehan ng PCG.

Sa isinagawa nilang search and rescue operation napag-alaman na nasa Caohagan Island na ang siyam na napaulat na missing habang ang tatlo ay nasa Plantation Bay, Lapu-Lapu City, Cebu, ayon kay PCG Station Commander Rolando Lizor Punzalan, Jr.

Nabatid na lumubog ang naturang motor banca matapos hampasin ng malakas na alon at hangin.

Nakilala ang mga survivors na sina Adelo Abayan, ang boat captain ng nasabing motor banca; Jennifer Noynoy, Junrey Teramil, Moises Abayan, Ronelio Espra, Emyang Panilag, Yako Espra, Rene Somalinog, Pablito Salyado, Jerry Israel, Cresencio Abanyo at Joven Paras.

Wala nang dapat ikabahala ang mga kamag-anak ng mga na-rescue, dagdag pa ni Commander Punzalan.

Nakatakdang i-salvage ang motor banca upang maiwasan ang oil spill. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.