12 Katao, Huli sa Illegal Fishing

MALOLOS CITY – LABING dalawang katao ang inaresto ng pinagsanib na puwersa ng awtoridad at bantay-dagat sa coastal area kamakalawa ng hapon.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Dave Poklay kay PNP Provincial  Director P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang mga nadakip na sina Silvestre De Jesus, 42; Michael Manahan, 28, ng Brgy. Anilao sa lungsod  na ito; Arnel Bautista, 23, ng Brgy. San Pablo, Hagonoy; Reonel Fuentez, 26; Marlon dela Cruz, 22; Randy Napule,18; Alfer Fernandez,18; Felomino Fernandez, 26; Ronald Napule, 22; Richard Cahilig, 18; Narciso Napule, 32; at Wallen de Guzman, 50, kapwa mga residente ng Brgy. Tangos, Navotas City.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-5 ng hapon nang mahuli sa akto ang mga suspek na gumagamit ng Sud-sud, na mahigpit na ipinagbabawal sa karagatang sakop ng nabanggit na siyudad.

Kinumpiska mula sa mga suspek ang tatalong bangkang de motor at limang cooler na naglalaman ng iba’t ibang uri ng isda, kung saan kinasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Republic Act 8550 o Fisheries Code of 1998.

Dahil dito muling pinaalalahanan ni Mayor Christian Natividad ang mga mangingisda na bawal ang mga pampasabog at Sud-sud sa panghuhuli ng isda, dahil sa sinisira nito ang mga koral na pangitlugan at taguan ng mga maliliit na isdang dagat.

Bunsod nito, pinasalamatan naman ni Natividad ang mga bantay-dagat na patuloy na pinuprotektahan ang mga likas-yaman ng karagatan.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.