12 karo ng patay, nasunog

UMABOT SA 12 karo ng patay ang nasunog nang mag-spark ang trouble light na gamit ng mekaniko sa isang punerarya sa Malabon City kamakalawa ng umaga

Alas-9:14 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa garahe ng Floresco Funeral Homes sa Dagat-dagatan ave., Longos ng lungsod at pag-aari ni Conrado Flores.

Sa pahayag ni Vicente Arinto, nasa hustong gulang, mekaniko, ginagawa niya ang isang sasakyan sa nasabing lugar nang mag-spark ang gamit na trouble light.

Bigla na lamang nagliyab ang gasolina na ginagamit sa panghugas ng mga piyesa na naging dahilan upang madamay na ang ibang sasakyan.

Nadamay rin ang isang parte ng chapel kung saan mabilis na nagdatingan ang mga bumbero at naapula ang apoy alas-9:45 ng umaga.

Wala naman naiulat na namatay o nasaktan sa nasabing sunog kung saan inaalam na kung magkanong halaga ang napinsala.  (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.