12 Kabataan, Nasagip sa Cybersex Den

LABINDALAWANG MENOR de edad ang nasagip mula sa hinihinalang cybersex den sa Barangay Ninoy Aquino sa Angeles City, Pampanga.

Nadakip naman ang tatlong babae at isang lala-king itinuturong operator ng tatlong bahay na ginawang cybersex den.

Samantala, nakumpis-ka ng mga kinauukulan ang walong computer set na natagpuan sa tatlong bahay.

Samantala, inaalam pa kung mayroon silang makukuhang mahalagang impormasyon mula rito.

Kasalukuyang nasa pa-ngangalaga na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang apat na babae at walong lalaki na nasagip mula sa cybersex den. Idadaan din ang mga ito sa debriefing at counselling.

Posible namang maharap sa mga kasong paglabag sa Anti-Child Abuse Law at Anti-Cybercrime Law ang mga salarin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.