12 Customs officers, sinibak sa serbisyo

LABINDALAWANG OPISYAL ng Bureau of Customs (BOC) ang sinibak sa serbisyo, ayon kay Customs Commissioner John Sevilla.

Inilipat sa Customs Policy Research Office ang mga natanggal sa puwesto.

Kasama rito sina Samson Pacasum at Edward Dybuco na dating opisyal ng Port of Davao sa natanggal dahil sa paglabas ng mahigit 100 container ng bigas nang walang kaukulang permit.

Aminado ang Customs Commissioner na malalim na ang ugat ng “tara system” at mahirap na itong sugpuin dahil maraming nakikinabang dito.

Ginagawan naman ng paraan ng BOC na pigilin ang nasabing sistema sa pamamagitan ng paglipat sa ibang opisina ng may mga sala.

Pero tutol si Romy Pagulayan, presidente ng Bureau of Customs Employers Association (BOCEA) sa naturang solusyon ni Sevilla.

Sinabi ni Pagulayan na hindi makakabawas ng korapsyon ang pagsibak sa mga opisyal sa kani-lang posisyon dahil mapupunta lang ang tara sa ibang nasa posisyon.

Itinanggi naman ni Dybuco na tinanggal ito at si Pacasum sa posisyon.

Aniya, “false and malicious” ang nabanggit na ulat at nagdala ng “grave damage and injury to me and my family.”

“First, I’m no longer assigned in Davao Port when the rice shipments were released. I have been reporting with the Legal Service under the DepComm for RCMG [Revenue Collection Monitoring Group – Bureau of Customs],” pahayag pa nito.

“Secondly, the rice shipments were released pursuant to a court order and not because [Collector] Pacasum wanted it released. We tried to hold the release of the rice due to persuasions from higher officials and various offices to defy the injunction order.”, ayon pa kay Dybuco.

“[Collector] Pacasum was the one who issued the alert and hold orders which I prepared. How could they say then that we allowed its release and be punished for such action?”, giit pa nito.

Nagpadala na umano ito ng “urgent request to the Secretary of Finance and Commissioner of Customs for a clarificatory statement” ukol sa nasabing isyu.

Nagbanta rin ito na maghahain ng “appropriate charges before the court and proper bodies.”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.