12 Chinese Poachers sa Tubbataha, Puwedeng Makulong ng 20 Taon

POSIBLENG MAHARAP sa 20-taong pagkakakulong ang 12 Chinese poachers na nahuli sa Tubbataha Reef dahil sa daan-daang pangolins o anteaters na nadiskubre sa sumadsad nitong fishing vessel noong Abril 8.

Base sa report, inihahanda na ng wildlife authorities sa Palawan ang kasong isasampa laban sa mga dayuhan.

Kahit hindi narekober ang mga pangolin, ang simpleng pagtataglay ng mga threatened species ay sapat nang dahilan para magkaso, dagdag pa ni Villena.

Protektado ng international law ang lahat ng walong species ng insect-eating mammal. Nasa “red list” ng endangered species ng International Union of Conservation of Nature ang Malaysian at Chinese pangolins.

Sa Palawan lamang nakakakita ng pangolin sa Pilipinas.

Una nang kinasuhan ng illegal poaching at panunuhol ang mga poacher na ilegal umanong pumasok sa teritoryo ng bansa.

Abril 15 nang madiskubre ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang daan-daang pinatigas sa yelong mga pangolin na binalot sa plastik at sinilid sa mga sako sa cargo ng barko.

Sikat na delicacy sa China at panggamot dahil umano sa medicinal qualities ang pangolins bukod pa sa karne, balat at kaliskis nito.

Samantala, una nang kinundena ng World Wide Fund for Nature-Philippines ang pagkakadiskubre ng pangolins sa barko ng mga dayuhan sa pagsasabing unti-unting nauubos ang mga hayop sa Asya dahil sa patuloy na tumataas na demand sa mga ito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.