12 BOC Collectors, Nagbitiw Na

LABINDALAWA SA 57 port collectors ng Bureau of Customs (BOC) ang nagsumite na ng kani-kaniyang “courtesy resignation” alinsunod sa kautusan ni Commissioner Rufino Biazon.

Ito ay upang mabigyan ng pagkakataon na mabalasa ang mga tauhan ng nasabing tanggapan sa susunod na linggo.

Kasama sa mga nagsumite ang sinasabing “tatlong hari” sa Customs na nakaupo sa malalaking lugar sa ahensya ay sina Dist. Collector Carlos So ng Ninoy Aquino International Airport, Manila International Container Port Dist. Collector Ricardo Belmonte, at si Port of Manila Dist. Collector Rogel Gatchalian.

Sina Edward Dela Cuesta ng Cebu, Oswaldo Geli ng Surigao, Eduard James Dybuco ng Davao, Adelina Molina ng Subic, Ronnie Silvestre ng Clark, at Darwisha Shuck ng Zamboanga ang ibang district collectors na nag-resign din.

Samantala, limang sub-port collectors ang nagbitiw na rin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.