12-anyos sa Davao, positibo sa HIV-AIDS

DAVAO CITY – GINAGAMOT na ang 12-anyos na batang lalaki na umano’y nag-posi-tibo ng HIV-AIDS.

Ayon sa Department of Health (DOH) at City Health Office (CHO), ang nasabing biktima ay kabilang sa 22 nag-positibo sa nasabing sakit.

Nasa 21 sa mga ito ay lalaki, samantalang isa lamang ang babae. Labing walo sa kanila ay mga menor de edad, at ang pinakabata ay ang 12-anyos na biktima.

Dahil dito, naalarma ang dalawang sangay ng pamahalaan, matapos lumabas sa kanilang pag-aaral na mas lalong bumabata ang mga nagiging biktima ng nabanggit na sakit.

Mas pinalawak pa sa ngayon ng DOH at CHO ang kanilang kampanya laban sa HIV-AIDS sa Lungsod ng Davao.

(Parazzi Reportorial Team)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.