12-anyos, pinilahan ng 4 na teenager

INIREKLAMO NG isang menor de edad na batang babae ang apat na teenager na umano ay halinhinang gumahasa sa kanya sa loob ng isang abandonadong bahay sa Caloocan CIty, iniulat ng pulisya kahapon ng umaga.

Ang biktima ay itinago sa pangalang Ana, 12 anyos, estudyante at residente ng Pangarap Village, Brgy. 181, Tala ng nabanggit na lungsod.

Kaagad namang naa-resto ng mga awtoridad ang isa sa apat na suspek na nakilalang si Carlo Diega, 19, kasalukuyang naninirahan sa281 Saguittarius St., Pangarap Village, Brgy. 181, Tala, Caloocan City.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang tatlo pang suspek na nakilala sa mga alyas na “Obet”, “Kalbo” at “Ismael” na pawang nakatira sa Saguittarius St., Pangarap Village.

Ayon kay P/Senior Insp. Danilo Padulaga, hepe ng Station Investigation Management Division ng Station 3, ng Caloocan City Police, sa pagitang ng alas-9:00 at alas-10:00 ng gabi nang maganap ang nasabing insidente sa loob ng isang abandonadong bahay na matatagpuan sa kahabaan ng Saguittarius St., Pangarap Village.

Nabatid na bago maganap ang nasabing insidente, ang apat na suspek ay nag-iinuman sa nasabing lugar nang dumaan ang biktima na nasa impluwensiya ng alak at sa puntong ito ay biglang hinatak ng isa sa mga suspek ang biktima at saka kinaladkad papasok sa nasabing bahay.

Dito ay halinghinang hinalay umano ng mga suspek ang biktima at pagkatapos na mairaos ng mga suspek ang kanilang makamundong pagnanasa ay basta na lamang iniwan ang biktima.

Kaagad na umuwi ang biktima sa kanilang bahay at nagsumbong sa kanyang mga magulang na hindi naman nag-aksaya ng oras at mabilis na nagsadya sa himpilan ng pulisya at inireklamo ang mga suspek.

Kaagad namang nagsagawa ng follow-up operation ang nasabing himpilan ng pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek na si Diega.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.