12-Anyos na Dalagita, Dakip sa Buy-Bust

DINALA NG mga kina-uukulan sa kustodiya ng social welfare officers ang pinakabatang drug courier na kanilang naaresto, isang 12-anyos na dalagita, sa Urdaneta City,Pangasinan.

Sinabi ni  Supt. Paquito Navarrete, city police chief na ang dalagita ay Grade 6 pupil, “smart and with pleasing personality”.

Ayon kay Navarrete, kapag nagsalita ang dalagita ay parang college student ang kanyang kausap.

Aniya, ang ama ng biktimang panganay sa apat na magkaka-patid, ay kasalukuyang nakapiit dahil din sa droga.

Batid aniya ng dalagita kung paano lulusutan ang mga tanong na magdidiin sa kanya, ngunit napaamin din habang sinisiyasat ng pulisya.

Samantala, ang dalagita ay nadakip nang mag-deliver ng limang gramo ng Shabu sa isang poseur-buyer makaraang maaresto ang isang drug dealer.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng  Department of Social Welfare and Development ang dalagita na sinampahan ng kaso matapos ang proseso sa ilalim ng Republic Act 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.