112 Katao, Nalason sa Sinigang

UMABOT SA 112 katao ang nalason sa kinaing sinigang na tuna na handang tanghalian ng isang hotel sa ginawang pagpupulong na ini-host ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Tuguegarao City ayon sa report ni Mayor Jefferson Soriano kamakalawa.

Ayon kay Soriano, 36 sa mga pasyente ang na-confine sa Dr. Ronald Guzman Medical Center at 76 pa ang ginamot doon bilang mga out-patients.

Sinabi ni Sorianona nagreklamo ang mga biktima ng pagkahilo, pagsusuka, pagdudumi, paninikip ng hininga, pananakit ng tiyan at pangangati matapos kumain ng sopas na tuna na inihanda sa kanilang pananghalian ng Hotel Carmelita.

Karamihan sa mga biktima ay mga Sagip Pamilya Beneficiaries mula sa lalawigan ng Cagayan, Isabela, Quirino at Nueva Viscaya at ilang kawani ng DSWD.

Inihayag ni Dr. Ronald Guzman, 25 sa 36 na pasyenteng naka-confine ang nakalabas na sa ospital

Nitong nakaraang Sabado.

Samantala, kumuha na rin ng sample ng pagkain ang mga health official upang masuri kung ano ang sanhin ng pagkalason ng mga biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.