110 litro ng oil spill, narekober sa karagatan sa Cebu

CEBU CITY – PATULOY pa rin ang pagsisiyasat ng Philippine Coast Guard (PCG)-Cebu sa nangyaring oil spill sa karagatan ng Osmeña Pier, lungsod ng Lapu-Lapu, lalawigan ng Cebu.

Napag-alamang umabot sa 110 litro ng oil mixture ang narekober ng Coast Guard Marine Environmental Protection Unit and Special Operations Unit sa nasabing lugar.

Inaalam pa hanggang ngayon ang pinagmulan ng naturang pagtagas ng langis sa karagatan ng nabanggit na lalawigan, ayon kay PCG spokesman Algier Ricafrente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.