11 Wanted, Arestado

LABING-ISANG KATAO na wanted ang inaresto ng mga awtoridad sa iba’t ibang bayan at lungsod sa Bulacan.

Sa report na tinanggap ni PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Joel Sabio Orduña nitong Miyerkules, naging matagumpay ang mga pulis sa pagtutugis sa mga wanted person sa lalawigan.

Sa Meycauayan City, kinilala ni Supt. Rafmil Corpus, hepe ng pulis ng lungsod, and mga nadakip na sina Luisito Cura, 20, may kasong Carnapping; at Flaviano Cornel, 40, may kasong Slight Physical Injuries.

Sa San Jose del Monte City naman, nadakip ng mga tauhan ni Supt. Joel Estaris, sina Reden Merete, 38, nahaharap sa kasong Bigamy; at Darvi Engar, 23, may kasong Robbery.

Habang sa bayan ng Bocaue, nadakip sina Vergel Fabian, 33, may kasong violation of section 15 Art II RA 9165 at without bail; at Antonio Mercado, Attempted Rape.

At sa Norzagaray, nadakip si Hermogenes Sarsua, 35, for the crime illegal discharge of  firearm; sa bahagi naman ng Sta. Maria, nadakip si Roger Buendia, sa kasong violation of RA 9262; sa Baliwag, nadakip si Jerwell Manjares, 25, (Qualified Theft); San Ildefonso – Joselito Vizconde, (Theft); at sa Marilao – Alvin Andres, 58, (Slight Physical Injuries in relation to RA 7610).

Kasalukuyang nakadetine sa iba’t ibang piitan ang mga suspek at nakahanda ng umpisahan ang paglilitis sa mga kasong kinasasangkutan ng mga ito.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.