11 Suspek, Nag-ambag ng P30 k Para Likidahin ang Dean

KINUMPIRMA NI P/Supt. Julius Niegos, chief of police ng PNP Batac na umaabot na sa 11 ang mga taong may kinalaman sa pagbaril sa dean ng College of Law sa Mariano Marcos State University, Batac City na si Atty. Ramon “Chito” Leaño.

Ito’y matapos mag-execute ng extra judicial confession ang isa sa mga nahuling salarin na kasalukuyang nasa kustodiya na ng PNP.

Sinabi ni Niegos na karamihan sa mga tinukoy ng suspek ay mga security guard ng unibersidad at may ilan ding ordinaryong empleyado.

Lumalabas na ang partisipasyon ng mga ito ay ang pag-ambag-ambag nila sa perang ibinayad sa gunman.

Samantala, sinabi pa sa testimonya ng nasabing salarin na umaabot sa P30,000 ang ibinayad upang pagtangkaang patayin ang biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.