11 Sundalong Sangkot sa Atimonan Incident, Masama ang Loob

MASAMA ANG loob ng 11 sundalo na sangkot sa Atimonan case, kung saan kasama silang nakasuhan ng multiple murder ng grupo ni Supt. Hansel Marantan.

Sa affidavit ni Ltc. Monico Abang, ang commander ng 3rd Special Forces Battalion, inilahad lamang nito kung ano ang totoong nangyari pagkatapos ng insidente.

Iginiit ni Abang na blanko sila sa kung ano ang totoong motibo ng grupo ni Marantan na siyang nanguna sa inilunsad na operasyon.

Tiniyak naman ng pamunuan ng Philippine Army na todo ang kanilang suporta sa kanilang mga sundalo na nahaharap sa kasong multiple murder.

Sinabi ni Army spokesman Ltc. Randolf Cabangbang na naniniwawala ang pamunuan ng Army na inosente ang kanilang mga sundalo at ginagawa lamang nito ang kanilang mga trabaho.

Sa ngayon, nasa restrictive custody ang tatlong opisyal at walong enlisted personnel ng Army Special Forces na sangkot sa madugong Atimonan incidente.

100 percent na makiki-pagtulungan ang mga sundalo hinggil sa nasabing kaso, giit ni Cabangbang.

Aniya, bagama’t masama ang loob ng 11 sundalo ay wala umanong problema sa moral dahil nakikita naman nila ang ibinibigay na suporta ng Philippine Army sa kanila.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.