11 sugatan sa pagsabog sa cargo ship

CAMARINES SUR – UMAABOT sa 11 katao ang nasugatan kabilang ang kapitan ng barko nang sumabog ang makina ng cargo ship sa karagatang sakop ng bayan ng Pasacao, kamakalawa.

Ayon kay PNP spokesman, Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., isinugod sa Bicol Medical Center ang mga biktimang sina Nathan Balmona, ship captain; Jerwin Roy Biseni, Rolly Legarda, Francis Rubio, Jobert Rivas, Jamiro Rivas, Dennis Rivas, Irasmor Rosero, Loreto Mangarin, Jenson Roy Rina at dalawa pang kinilala sa mga alyas na Ning at Jetman.

Batay sa ulat, dakong alas-11:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa private port ng Olivan Family sa likuran ng Petron at Caltex depot sa Pasacao, Camarines Sur.

Nabatid na papaalis sa pantalan ang MV STC Jeffrey, isang cargo at passenger vessel nang mapansin ng mga pasahero ang sunog sa makina ng barko matapos ang malakas na pagsabog.

Karamihan sa mga sugatan ay tripulante ng barko.

Galing sa Mabini, San Fernando, Romblon ang barko nang maganap ang aksidente.     (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.