11 Pinoy Mula Syria, Uuwi Na

MAKAUUWI NA ng bansa ang 11 na Pinoy mula Syria matapos tumindi ang kaguluhan dito sa pagitan ng Syrian authorities at rebelde sa Daraa.

Lalapag mamayang alas-4 ng hapon sakay ng Emirates flight EK-332, ang 8 Overseas Filipino Workers (OFWs) at tatlong menorde-edad na anak ng mga ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, batay sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Aabot na sa 2,941 ang Pinoy na nailikas ng pamahalaan sa Syria matapos magpatupad ng repatriation ang pamahalaan dahil sa kaguluhan doon. Sinagot ng International Organization for Migration (IOM) ang pamasahe ng mga nakauwing Pinoy.

Maaring makipag-unayan ang ilang may kaanak pa Syria sa Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (OUMWA) hotline (02) 834-4996 o sa DFA Action Center (02) 834-3333.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.