11 paslit, nalason sa hipon

 

LABING-ISANG PASLIT at isang nanay ang nalason sa Sitio Lubas, Barangay Amabel sa Magpet, Cotabato.

Base sa report, ipinarada ng isang inhinyero ang kanyang sasakyan na may kargang  farming tools at plastic container na may lamang pinatuyong hipon na hinaluan ng zinc phosphide pesticide malapit sa isang eskuwelahan at umalis umano ito sandali para kausapin ang kanyang farm caretaker.

Hindi naman napansin ni Engineer Eisen Sorrosa ang pagsampa ng 11 estudyante sa kanyang sasakyan na sinasabing kumuha ng dala niyang hipon at kumain.

Nabatid na nasa pagamutan na ang mga bata at isang nanay na nakikain sa kanila ng hipon matapos makaramdam ng pananakit ng tiyan at pagsusuka.

Samantala, agad namang nalapatan ng lunas at nakalabas na ng ospital ang 11 bata.

Sinagot naman lahat ni Sorrosa ang gastusin sa pagpapagamot sa mga biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.