11 Koreano, nalason sa Iloilo

LABING-ISANG KOREAN nationals ang isinugod sa pagamutan matapos mabiktima ng food poisoning sa tinutuluyang hotel sa Iloilo City.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Kim Yeo Jin, Kim Yeo Rim, Lee Jong Hun, Yee Gok Wa, Kyung Mo Kim, Kim Sang Kyu, Lee Tai Jong, Shin Wo Jo, Han Jong Won, Chong Yun Jin at hindi napangalangang Korean national, pawang nag-aaral sa Jinsoo Foreign Language Institute sa The Castle Hotel sa Bonifacio Drive ng nasabing lungsod.

Ang mga ito ay stay-in sa naturang hotel kung saan dito rin sila kumakain.

Base sa pagsisiyasat, unang nagpaospital  ang lima sa mga ito matapos makaramdam ng sintomas ng food poisoning kagaya ng pananakit ng tiyan at loose bowel movement (LBM) at makalipas ang ilang oras, dinala na rin sa pagamutan ang anim na iba pa matapos makaramdam ng kaparehong sintomas.

Hindi pa matukoy kung ano ang kinain ng mga ito na pinaniniwalaang dahilan ng kanilang pagkalason.

Sa ngayon, nakalabas na sa ospital ang ilan sa mga ito samantalang nananatili pa rin ang ilan sa mga dayuhan.

Nabatid na ito na ang pangalawang insidente ng food poisoning sa Iloilo sa loob ng dalawang linggo.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.