11 Hinihinalang NPA, Pinalaya ng Piskalya

LABING ISANG katao na umano’y miyembro ng New People’s Army, kabilang ang empleyado ng munisipyo at driver/bodyguard ni incumbent Mayor Ronnie Flores ng Doña Remedios Trinidad, Bulacan ang pinalaya matapos ma-dismiss ng piskalya dahil sa kawalan ng ebidensya.

Matatandaang una nang inaresto ng mga tauhan ng 7th Infantry Division ng Philippine Army at Philippine National Police ang mga suspek isang linggo bago ang halalan sa Sitio Linao, Brgy. Kabayunan ng nasabing bayan.

Kinilala ni 7th ID Gen.Gregorio Catapang ang mga nadakip na suspek na sina Rodolfo Cruz, 65 anyos, ng Bigte, Norzagaray; Rico Vicene, 43, ng San Jose del Monte City; Josefino Lupano, 34; Cyrhyl del Cruz, 19; Jayson Valmadrid, 25; Randy Puno, 33; Angel Cabrera, 48; Graciano del Cruz; Billy at Willy Asuncion na lihitimong empleyado ng munispiyo ng DRT na kapwa mga residente ng Brgy. Salangan, San Juan at Tibagan, San Miguel, Bulacan.

Kumpiskado mula sa kanila ang tatlong M16 armalite rifles, dalawang M14 rifles, tatlong cal.45, apat na granada, isang shotgun, at iba’t ibang uri ng mga bala at medical kit.

Bunsod nito’y labis ang pagtataka ng mga awtoridad at mga residente ng DRT kung bakit nakalaya ang mga suspek gayong nahulihan ang mga ito ng baril.

Una na ring sinabi ng residente na hindi rebeldeng NPA ang nahuli ng mga pulis at militar, dahil pawang mga tauhan ni Mayor Flores, kung saan plano sanang iligpit ang kapitan del barrio ng Kabayunan na si Boyeng Bernabe, at lima pang mga kapitan na tumanggap din ng mga pagbabanta sa buhay.

Kasabay nito’y kinondena ng mga residente ang paglaya ng 11 katao na anila’y miyembro ng private armed group sa nabangit na lugar.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.