11 Comelec Execs, Kinasuhan sa Ombudsman

NAHAHARAP SA patung-patong na kaso ang mga dati at kasalukuyang opisyal ng Comission on Elections (Comelec) dahil sa umano’y mga problema ng nakaraang 2010 automated elections.

Kabilang sa mga kinasuhan sa Ombudsman ay sina dating Comelec chairman Jose Melo, retired commissioners Rene Sarmiento, Nicodemo Ferrer, Armando Velasco at Leonardo Leonida; kasama rin sa mga inireklamo sina Project Management Office (PMO) director Jose Tolentino; Bartolome Sinocruz Jr.; Renato Garcia; Technical Evaluation Committee chairman Denis Villorente at committee members na sina Ferdinand De Leon at Reynaldo Sy.

Maging ang Smartmatic-Total Information Management Corporation officials ay damay rin sa inihaing complaint.

Nakasaad sa natu-rang reklamo ang iligal na pagpasok ng Comelec sa kontrata sa automation service provider kahit expire na ang kasunduan nito sa Dominion Voting Systems.

Wala rin umanong pilot testing ng PCOS, hindi nagkaroon ng source code review at marami pang iba.

Samantala, inihain ni dating NBN-ZTE whistleblower Jun Lozada ang nasabing complaint, kasama ang ilang opisyal ng mga election watchdog.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

2 thoughts on “11 Comelec Execs, Kinasuhan sa Ombudsman

  1. ang isabay sa kaso sa comelec iyong chairman ng comelec sa malinao si Mr. toledo kasi tumatanggap ng pera kabayaran sa pag aprove ng filing of candidacy ni Salvador Moll for Vice mayor/ may kaso ito si Salvador moll ng malinao albay na cancelled ang candidacy nya. bakit inaprubahan pa ng chairman ng comelec of malinao, albay.

Leave a Reply

Your email address will not be published.