11 Coast Guard na Nakapatay sa Taiwanese fisherman, Sinibak

SINIBAK NA ng pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 11 tauhan nito na sangkot sa pagkamatay ng isang Taiwanese national, habang nagpapatuloy ang ginagawang pagsisiyasat.

Maliban sa mga PCG personnel, sangkot din umano sa insidente ang dalawang miyembro ng Bureau of Fisheries and Aquatic resources (BFAR).

Matatandaan na unang iginiit ng mga coast guard personnel na “self-defense” ang nangyari matapos magtangka umano ang isa sa mga Taiwanese vessel na banggain ang kanilang barko.

Kahapon, nagtugo sa bansa ang ilang Taiwanese investigators para makipag-ugnayan sa mga local authorities kaugnay sa ginagawang pagsisiyasat.

Sinabi ni Lee Chia-fee, ang tagapagsalita ni Taiwan’s President Ma Ying-jeou na nais nilang matapos nang maaga ang imbestigasyon upang hindi na maulit ang insidente.

Una rito, matapos magpatupad ng “freeze order” laban sa mga overseas Filipino workers (OFWs), ni-recall na rin ng Taiwanese government ang kanilang kinatawan sa Pilipinas.

Samantala, nagbanta pa ang tagapagsalita ni President Ma, na kapag muling nabigo ang Palasyo sa kanilang demand, magpapatupad sila ng “second wave of sanctions”.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.