11 bayan sa Ifugao, binigyan ng saku-sakong bigas

LAGAWE, IFUGAO – Saku-sakong bigas ang dumating sa Ifugao mula sa Thai government bilang donasyon para magamit sa conservation at preservation ng rice terraces ng nabanggit na lalawigan.

Nabatid na ang mga saku-sakong bigas ay nakatakdang gamitin bilang “Food For Work” sa 11 bayan sa nabanggit na probinsiya.

Ayon kay Provincial Social Welfare Officer Joyce Niwane, hahatiin ang 5,936 na sako ng bigas. Makatatanggap ang Banauea ng may 1,500 sako ng bigas; Kiangan – 500; Hungduan – 500; Mayoyao – 500; Aguinaldo – 350; Alfonso Lista – 350; Asipulo – 350; Hingyon – 350; Lagawe – 332; Lamut – 332; at Tinoc – 332.

Sinabi rin ni Niwane na ang mga Municipal Social Welfare and Development Officers (MSWDOs) ng bawat bayan ang magpapamahagi sa mga ito para masigurong walang magiging problema sa proper distribution at implementation.

Ang bawat tao ay tatanggap ng 10 kilo  ng bigas kada araw na may katumbas na halagang P250.00

(ROLANDO S. GAMOSO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.