11-Anyos,Pinakabatang Ina sa Capiz

ISANG 11 TAONG gulang na batang babae mula sa lalawigan ng Capiz ang nagsilang ng sanggol sa isang pagamutan sa lalawigan naman ng Iloilo.

Batay sa impormasyong nakalap, unang dinala sa Roxas Memorial Provincial Hospital kahapon ang hindi na pinangalanang batang babae, ngunit dahil sa maselan nitong kundisyon, inilipat sa isang ospital sa Iloilo.

Nabatid na premature ang isinilang ng batang babae na isang sanggol na lalaki na pitong buwan pa lamang na dinadala ng nabanggit na batang ina.

Binasag ng nasabing menor de edad ang naunang record ng pinakabatang ina sa nasabing lalawigan ng Capiz na 12 taong gulang.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “11-Anyos,Pinakabatang Ina sa Capiz

Leave a Reply

Your email address will not be published.