11-anyos, walang saplot; natagpuang patay sa kanal

INAALAM PA ng pulisya kung may naganap na panggagahasa sa 11-anyos na batang babae  na natagpuang patay at walang suot na pang-ibaba sa isang kanal sa Bypass Road, Brgy. Bulihan, Plaridel, Bulacan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-8:15 ng umaga nang makatangap ng tawag ang Plaridel Police na may isang batang babae umano ang natagpuang patay sa isang kanal.

Ayon kay P/Supt. Julius Ceazar Domingo, hepe ng Plaridel Police Station, nakasuot pa umano ng school uniform ang biktima ngunit walang suot na saplot pang-ibaba. Nakuha rin ang isang bag ng biktima na may lamang notebook may pangalang Ma. Leonida Oderon, Grade IV pupil.

Sa pamamagitan ng Comelec, natukoy ng mga awtoridad ang isang pangalang Aurelio Oderon na nakatira sa Brgy. Malis, Guiguinto, Bulacan.

Agad nilang inimbitahan ang nasabing tao para dalhin sa Zaldy Funeral Homes sa Guiguinto, Bulacan para sa pagkakakilanlan ng biktima.

Samantala positibong kinilala ni Aurelio Oderon na ang biktima ay ang kayang anak na si Leonida Oderon, 11 anyos, Grade IV pupil, at residente ng Daang Bakal, Brgy. Sta. Cruz, Guiguinto.

Kaugnay nito patuloy pa ang isinasagawang malalimang imbestigasyon ng mga pulis upang matukoy kung sino ang nasa likod ng pagpatay sa bata.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.