11-Anyos, Sugatan sa Ligaw na Bala

SUGATAN ANG isang 11-anyos na bata nang tamaan umano ng ligaw na bala mula sa isang lasing na pulis sa Tondo, Maynila.

Isinugod na Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktima matapos tumagos sa kanyang kanang hita ang bala ng baril.

Ayon kay PO2 Vergel Sison, lasing na naglalakad sa kanto ng Perlas at Quirino street si PO1 Alan Ruiz at biglang naglabas ng kanyang baril.

Nagpaputok umano ang pulis sa ibabang bahagi ng kalsada ngunit tinamaan ang naglalakad na bata.

Patuloy ang follow-up operations at paghahanap kay Ruiz, na nakatalaga umano sa Bicutan Police.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.