11-Anyos, Pinasabog ang Bungo

SABOG ANG bungo ng isang 11-anyos na batang lalaki makaraang barilin ng sumpak sa ulo ng isang kilalang siga-siga sa Caloocan City, iniulat ng pulisya kahapon ng umaga.

Ang biktima na namatay habang nasa comatose na kalagayan sa Quezon City General Hospital ay naki-lalang si Jeffrey Pallares, 11, ng Phase 4, Package 2, Bagong Silang ng nabanggit na lungsod.

Kasalukuyan namang nakakulong sa detention cell ng Caloocan City Police station ang suspek na si Juan Fontalba, 44, vendor, at kalugar ng biktima.

Base sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:30 ng umaga nang maganap ang nasabing insidente ng pamamaril sa harap ng bahay ng biktima sa naturang lugar.

Nabatid nabago umano maganap ang nasabing insidente ay nakipag-away ang grupo ng biktima sa anak ng suspek at nang malaman ng huli ang pangyayari ay binalikan nito ang huli at tinutukan ng sumpak.

Sa takot ng biktima ay nagtatakbo ito para iwasan ang suspek kung kaya’t hinabol ito ng huli at nang abutan ay walang awang pinutukan ng sumpak sa ulo at pagkatapos ay mabilis na tumakas.

Duguang humandusay ang una sa kalsada na kaagad namang dinala ng ilang kapitbahay sa nasabing pagamutan at makalipas na ilang araw ay namatay ang biktimang si Pallares.

Nang magsagawa ng police operation ang mga awtoridad laban sa suspek ay nagresulta ng maagang pagkakaaresto sa suspek.

(ROMAN MAGPOC)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.