11-anyos na dalagita, hinoldap at pinaslang

QUEZON – MALAGIM ANG sinapit ng isang 11-anyos na batang babae na inutusang kumulekta ng pera ng kanyang ama, matapos na ito’y pagsasaksakin at ilibing sa gubat ng hindi pa nakikilalang suspek kamakalawa sa Gumaca.

Natagpuan ang naaagnas nang bangkay ng biktimang itinago sa pangalang ‘Lyn’ ng mga awtoridad sa kagubatang sakop ng Barangay Sastre.

Ayon kay PO1 Girly Paloma, officer-on-case, ang biktima ay nagtamo ng maraming saksak sa katawan at inilibing sa mababaw na hukay upang maitago ang bangkay nito.

Huling nakita ang biktima nang utusan ito ng kayang ama na kumulekta ng pera mula sa isang kaibigan sa Barangay Villa, Padua Ilaya, noong nakalipas na June 26.

Gayunman, hindi na bumalik ang biktima hanggang sa kinabukasan dahilan upang humingi ng tulong ang magulang ng biktima sa mga tauhan ng Gumaca Municipal Police Station. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.