11-anyos na batang babae, brutal na pinaslang

LABIS ANG PAGDADALAMHATI ng kaanak ng isang batang babae nang matagpuan itong walang buhay sa isang sapa, basag ang mukha, tadtad ng saksak sa katawan at walang pang-itaas na damit sa bayan ng Peres, Quezon.

Sa ulat ng Peres Municipal Police Station, ala-5:00 ng hapon nang matagpuan sa isang sapa ang katawan ng biktimang itinago sa pangalang Lina, grade 5 student at residente ng Brgy. Mainit Norte.

Sinasabing ipinagbigay-alam ng lalaking nakatagpo kay Lina sa pulisya at nagtungo ang mga ito para imbestigahan ang bangkay.

Sa pagsisiyasat, saksak sa iba’t ibang katawan at pagpukpok ng mabigat na bagay sa mukha ang ikinamatay ni Lina.

Wala rin itong damit pang-ibaba at tanging T-shirt lamang ang suot.

Sinabi ni Insp. Eliser Cayco, hepe ng Peres Municipal Police na kanila pang iniimbestigahan kung ginahasa ang biktima.

(EUNICE CALMA)

 

 

 

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.