11-Anyos at Tiyahin, Tiklo sa Pagnanakaw

HINDI NA nakapagkaila ang magtiyahin, kung saan ginamit ang 11-anyos sa pagnanakaw sa iba’t ibang mga department store ang naaresto na aktong nagsisilid ng mga paninda sa isang shopping mall,  bandang alas-7:12 ng gabi sa Baliuag,Bulacan.

Sa ulat ni Baliuag Police Chief Supt. Julius Caesar Domingo, kinilala ang suspek na si Mary Grace Santos, 32 anyos, tiyahin ng 11-anyos na si Ruvie (‘di tunay napangalan), pawang nakatira sa # 3 Naga St., North Fairview, Quezon City.

Sa imbestigasyon nina SPO1 Majorie Taruc at PO2 John C. Marasigan, may hawak ng kaso, habang nag-iikot umano sa Super Shopping Market, Incorporated na matatagpuan sa Brgy. Pagala, ang mga suspek, aktong nakita ng security guard na si Ferdinand Santos na isinisilid ng magtiyahin ang isang Abott Ensure Vanilla flavor na nagkakahalaga ng P1,714.75 at isang bag pack na nagkakahalaga ng P149.75.

Kaagad na sinita ng mga guwardiya ang 11-anyos na suspek at hinanapan ng resibo ng kanyang dalang bag at ang laman nito.

Dahil sa kawalan ng maipakitang resibo agad na inaresto ang mga ito at ang kasama.

Sinampahan ng kasong Theft ang mga suspek at sa kasalukuyan ay nakadetine ang tiyahin sa Baliuag Jail habang ang 11-anyos ay ini-release sa pangangalaga ng DSWD.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.