11 ‘call girls’, inaresto sa Caloocan

SA KAMPANYA LABAN sa vagrancy at prostitution, 11 kababaihan ang inaresto ng mga awtoridad na sinasabing nagbebenta ng panandaliang-ligaya sa harap ng isang mall sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga naarestong babae na sina Leizel Alvarez25; Joyce Ibanez, 26; Hannah Manlapod, 21; Ruby Rose Velando, 23; Mae Alday, 26; Lea Aureada, 19; Vangie Banaga, 19; Kim Rosales, 20; Christine Joy Osian, 24; Analyn Alvatrz, 24; at Liza Miliyante, 20, pawang mga residente ng Caloocan City.

Ayon kay PO3 Eduardo Ronquillo, ng follow-up section ng Caloocan City Police, dakong alas-10:00 ng gabi nang maaresto ang mga kababaihan sa harap ng Araneta Square na matatagpuan sa Bonifacio Circle.

Sinabi pa ni Ronquillo, ang mga inarestong babae ay nakitang pagala-gala sa nasabing lugar, kung saan ay nilalapitan ng mga ito ang mga nagsisipaglakad na mga lalaki at inaalok ng sex kapalit ng limandaang piso.

Inaresto ang mga nasabing kababaihan para makaiwas sa pagkalat ng mga sakit tulad ng Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) at STD.         (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.