106th Anibersaryo ng Navotas, Ipinagdiwang

BILANG PAGGGUNITA sa ika-106 na anibersaryo ng Navotas, isang enggrandeng selebrasyon ang inihanda ng pamahalaan lungsod na pakakaabangan ng mga residente na buong linggong gaganapin na sinimulan noong na Enero 8 at magtatapos sa Enero 16 na siyang mismong araw ng anibersaryo.

Ayon kay Navotas Mayor John Rey Tiangco, tinaguriang “Pangisdaan Festival” ang tema ng selebrasyon, kung saan Fishing Capital ng bansa ang nasabing lungsod.

Matapos mag-motorcade at funbike, magpapakitang-gilas din ng kani-kanilang talento ang mga residenteng lalahok sa iba’t ibang patimpalak tulad ng boat race at sportfishing tournament, at pararangalan din ang top 10 taxpayers at top 10 fisherfolks.

Magkakaroon din ng Mega Job Fair, Trade Fair, Drum and Lyre Competition, Mutya ng Navotas, Perlas de Navotas, Mardi Gras Parade at Pistang Kristyano.

Isang Tianggehang Navoteño rin ang itatayo sa Centennial Park para ipakita ang mga kakaibang produkto na ipinagmamalaki mula sa 14 na barangay ng naturang lungsod.

Maging ang kultura sa lungsod ay bubuhayin ng temang “Kulturang Navoteño, Buhayin, Linangin at Paunlarin, Navotas, Navotaas!” at ipapakita ito sa pamamagitan ng taunang streetdancing competition na sasalihan ng 6 secondary at 1 tertiary school.

Naging katuwang din at nakipagkasalamuha si Navotas Cong. Toby Tiangco, Sanggunniang Panlungsod at mga Barangay Council kabilang ang mga sikat na personalidad, tulad nina Jennylyn Mercado at Sam Pinto.

Kahanga-hanga rin sa kalagitnaan ng selebrasyon ang Navotas Variety Show at Grand Fireworks Display.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.