1,000 public school teachers sa Navotas City, isinailalim sa pagsasanay

 

SA LAYUNING LALO pang maitaas ang antas ng kalidad ng pagtuturo ng mga guro, isinailalim ng pamahalaang-lungsod ng Navotas ang may 1,000 teachers mula sa mga pampublikong paaralan sa capability and building development seminar sa ilalim ng temang “Itaas ang Antas ng Edukasyon sa Navotas”.

Idinaos ang anim na araw na seminar sa Tagaytay City International Convention Center, dalawang linggo bago ang pagbubukas ng klase noong Lunes.

Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, dumalo mula sa una at ikalawang distrito ng Navotas City ang mga guro sa 15 paaralan sa elementarya at anim na eskuwelahan sa high school.

Binigyang-diin ng alkalde na dapat pagtutuunan ng pansin ng city government ang mga ganitong uri ng pagsasanay, upang mas mapataas pa ang antas ng edukasyon sa Navotas.

“Kapag magaling ang mga guro, tiyak na magaling din ang mga estudyante kaya dapat pinadadalo sila sa mga seminar,” paliwanag ni Tiangco.

Samantala, maayos at hindi nagkaroon ng aberya ang unang araw nang pagbubukas ng klase sa Navotas City, noong Lunes.

Nagpakalat ng naka-sibilyang pulis si Mayor Tiangco sa lahat ng public schools sa nasabing lungsod.

(ROMAN  MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.