1,000 public school teachers, bibigyan ng karagdagang kita

TINIYAK KAHAPON NI Mayor John Rey Tiangco na mabibigyan ng karagdagang kita ang may 1,000 mga guro mula sa mga public school sa Navotas City.

Ito ang tinuran ni Mayor Tiangco matapos lagdaan ang isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng city government at ng mga kinatawan ng Philippine Long Distance Company at ng Smart, bilang isa sa mga ‘highlights” sa pagdiriwang ng 4th Year sa pagiging lungsod ng Navotas City, noong Hunyo 24.

Nakasaad sa MOA na nilagdaan nina Tiangco at ng mga nabanggit na kumpanya na, magkakaroon ng livelihood program ang mga public school teacher sa Navotas City para sa karagdagang kita ng mga ito.

“Bale ang Smart at PLDT ang sponsors sa livelihood program para sa mga public schools teachers. Alam naman natin na kakarampot ang sahod ng mga guro kaya nagpapasalamat ako sa kanila,” paliwanag ni Tiangco.

Kahit malakas ang ulan noong Biyernes, hindi ito naging sagabal upang hindi ipagdiwang ng Navotas City government ang anibersaryo ng kanilang pagiging lungsod.

Naging city ang Navotas noong Hunyo 24, 2007, matapos magdaos ng plebisito kung saan nagwagi ang “Yes” sa “No”.

Pinasalamatan naman ng mga guro si Mayor Tiangco, kaugnay sa nasabing programa.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.