1,000 Navoteños, tumulong sa paglilinis

PUSPUSAN ANG ISINAGAWANG paglilinis ngayon sa lungsod ng Navotas nang higit sa isang libong residente ang nagtulung-tulong sa mga iniwang kalat ng nagdaang bagyong Pedring partikular na sa baybaying-dagat ang mga barung-barong na sinira.

Pinangunahan ito ni Navotas City Mayor John Reynald Tiangco sa pakikipagtulungan ng Philippine Navy, Barangay Affairs, Community Relations Office at Bureau of Jail Management and Penology, at mga kawani ng lungsod.

Boluntaryo ring tumulong ang mga guro, prinicipal, residente, boys scout/girl scout, opisyal ng pamahalaang lungsod, at mga opisyal ng barangay.

Ang City Engineering office at Environment Resources office naman ang siyang taga-hakot ng mga basurang nalinis sa buong lungsod.

“Cooperation is key,” ani Mayor Tiangco, “to the rehabilitation of the coastal environment of our areas. The devastation left by the “Pedring” hurt all of us but now it’s time to rise above the tragedy and work together to repair the damage so we can move on and up!”

Ayon pa sa alkalde, ang nasabing aktibidades at bahagi rin ng kanilang programang Environmental at Gree-ning program, “Navotas Ko, Love Ko”, isang mensahe para sa mga Navoteños para sa pagmamahal sa lunsod.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.