1,000 Citi Employees, Tumulong sa Pabahay sa Navotas

 

KASABAY NG ika-200 anibersaryo ng Citi Philippines, isang libong empleyado nito kamakailan ang boluntaryong tumulong upang magtrabaho sa pagtatayo ng bahay at nagkaloob ng P200,000 para tuluyang maisakatuparan ang NavotaAs Socialized Housing Site, Bgy. Tanza, Navotas City.

Ito ay isa na namang tagumpay sa naturang programa na maliban sa Habitat for Humanity ay nadagdagan na naman ang mga isponsor sa nasabing proyekto, kung saan nitong nakaraan buwan ay libong kabataan ang boluntaryong tumulong.

Mainit namang tinanggap ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco, ang dalawang institusyon dahil sa ginagawa nilang aktibidad para sa mga pamilyang residente ng lungsod na nangangailangan

ng maayos na tirahan, pagtuturo sa mga bata at pagtatanim ng puno sa nabanggit ng lugar, kung saan may 120 bahay na ang maaaring tirahan.

“We are very thankful that highly recognized institutions such as the Habitat for Humanity and Citi Philippines for being our partners in our mission to build new homes and give new hope to the Navoteño families,” sabi ng mayor.

Sa nasabing okasyon na may temang “200 Bright Futures: Citi Builds with Habitat for Humanity”, personal namang na inabot ni Sanjhiv Vhora, Chief Executive Officer ng Citi Philippines sa Habitat for Humanity ang halagang P200,000, bilang tulong sa Navotas housing project.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.