100 Trabaho Para sa mga Navoteño

HIGIT SA isang daang trabaho ang naghihintay para sa mga residente ng Navotas City, at isa ito sa malaking pagkakataon para sa kanila mula sa mga suportang ibinibigay ng iba’t ibang sektor lalo na sa mga pribado at business sector bilang pagselebra ng ika-107 anibersaryo ng Lungsod ng Navotas.

Ang nasabing pag-diriwang ay naging taunang ginagawa sa lungsod nang umabot sa ika-100 taon na nagsimula noong taon 2007 kung saan sa ilalim ng panunungkulan ni dating Navotas Mayor Toby Tiangco na ngayon ay mambabatas ng nasabing lungsod at ng tanggapan ng City Public Employment and Services Officer sa pamumuno ni Genesis Sanoy.

Sa kasalukuyang pamunuan ni Navotas Mayor John Rey Tiangco, prayoridad ng kanyang mga programa ang mabigyan ng trabaho ang kanyang mga constituent, kung saan itinatag nito ang Navotaas Hanapbuhay Center para hindi na mahirapan pang maghanap ng mga trabaho ang mga residente lokal man o abroad.

At tuwing araw ng Martes, ang Center ay nagsasagawa ng ‘in-house job fair’ sa unang palapag ng nasabing pamahalaang lungsod simula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali, katuwang ang CPESO at gumagamit na rin sila ng Skills Registration System o Data Banking Program na naglalaman ng mga impormasyon ng mga aplikante sakaling may mga agarang kumpanya o ahensiya na naghahanap ng mga aplikante.

Limang daan at dalawa mula sa 1,153 aplikante ang mga kuwalipikado habang 418 naman para sa mga susunod na interview, samantalang 34 ang natanggap na o nabigyan ng trabaho.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.