100 Pamilya, Naabo ang Tahanan

AABOT SA 100 pamilya ang nawalan ng tirahan sa naganap na sunog sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nagpadala naman ng relief goods si Caloocan City Mayor Enrico Echiverri sa mga nasunugan sa Pasong Malapad, GSIS Hills, Talipapa ng lungsod.

Sa ulat, alas-8:41 ng gabi nang magsimula ang sunog sa bahay ni Maila Dacuma sa nasabing lugar.

Agad na kumalat ang apoy sa mga kapit-bahay at naapula alas-10:35 ng gabi.

Wala naman naiulat na nasawi o nasaktan kung saan inaalam na kung ano ang pinagmulan ng sunog.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.