100 Minimum na Kotong!

0927545xxxx – Sir Raffy Tulfo nais ko pong ipaalam sa inyo ang maling gawain ng mga TMO ng Pasay City. Hindi ko po nakuha ang pangalan pero nakuha ko naman po ang plate number ng kanyang motor ito po ay WG 4681. Kahapon po bandang 1:30 ng tanghali sa tapat ng terminal 3 sa NAIA, itinabi ko po sandali ang aking taxi para maglagay ng tubig sa aking radiator. Dumaan po ito at pilit na kinuha ang aking lisensiya sa kadahilanang bawal daw po roon. Nakiusap po ako at inabutan ko ng P50 ngunit ayaw nitong pumayag. Ang gusto pala ay P100 ang makotong sa akin. Naniniwala po kami sa inyong programa dahil marami po ang inyong natutulungan.

 

0947980xxxx – Boss Raffy, gusto ko pong ireklamo ang lantarang pangongotong ng mga TPMO ng Pasig City. Kanina pong umaga habang tinatahak ko ang kahabaan ng Pasig, pinara po ako ng isang TPMO at hiningi ang aking lisensiya. Ang akin daw violation ay ang hindi pagbukas ng aking headlight ng aking sasakyan. Ala-sais na po ng umaga at maliwanag na. At nang ako po ay pumalag, sinabi po niya na tutuluyan niya akong tiketan. Kaya para hindi na po maabala, binigyan ko na lamang po ng isang daan dahil mahuhuli na ako sa a-king pupuntahan. Malinaw naman po na pangongotong lang ang habol nito sa akin at sa iba pang motorista. Sana po ay mabigyan ninyo ng aksyon ang sumbong na ito nang hindi na pamarisan pa ng iba. Maraming salamat po.

 

0907304xxxx – Tol Raffy, nais ko lamang pong magpatulong sa aking suliranin sa aking asawa. Ako po ay asawa ng isang sundalo. Ang buhay ko po sa kanya ay talagang impiyerno. Kapag po siya ay nalalasing, binubugbog po ako at pinagbabantaan ang aking buhay pati ang buhay ng aming mga anak. Sa ilang taon po na pagtitiis sa aking asawa ay talagang napakahirap. Ako po ay nagsusumamo sa inyo na tulungan po ninyo ako.

 

0929604xxxx – Mr. Action Man, maaari po ba ninyong aksyunan ang aming problema rito sa Ilocos Sur. Mayroon pong abusadong pulis dito na tuwing nalalasing ay nanunutok ng baril. Mayroon pa nga pong insidente na isang dayong binata ang kanyang napagtripan at pinagsayaw niya ito habang pinapaputukan ng baril. Napakarami na pong pang-aabuso ang ginagawa ng pulis na ito. Wala pong magkalakas ng loob na isuplong ang taong ito dahil natatakot. Magaling pong mambaligtad ng sitwasyon ang pulis na ito. Sana po ay matapos na ang kasamaan at pagmamalabis niya sa kanyang kapwa. Sir, tulungan po ninyo kami. More power po sa inyong show.

 

0917514xxxx – Mr. Idol, ako po ay isang concerned citizen. Nais ko pong ipagbigay-alam sa inyo na talamak ang bentahan ng double dead o botcha na baboy rito sa lugar ng Brookside, Bamban, Tarlac. Sana po ay mabigyan po ninyo ng aksyon ang bagay na ito dahil marami po ang maaaring mapahamak sa kanilang ginagawa. Maraming Salamat po.

 

Ang WANTED SA RADYO ay mapapakinggan sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00 – 4:00 pm. Ito ay kasabay na mapapanood sa Aksyon TV channel 41. Para sa inyong mga sumbong maaaring mag-text sa 0917-7-WANTED o kaya sa 0908-87-TULFO.

 

 

 

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.