100 Magsing-Irog na Navoteño, Ikakasal sa Araw ng mga Puso

SA NALALAPIT na pag-diriwang ng mga Araw ng Puso, isang daang pares na Navoteñong magsing-irog ang nakatakdang muling iisponsoran ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng “mass wedding” upang hikayatin ang mga nagsasamang pares sa loob ng mahabang panahon na gawing legal ang kanilang pagkakabigkis.

Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, naniniwala siya na ang isang pamilya, ang pinakamaliit na sub-unit ng komunidad ay kailangan buo ang pundasyon ng pagsasama tulad ng pagpapa-kasal, dahil isa rin itong mahalaga sa pagpapalago at tagumpay ng lungsod.

“A strong, tight-knit family equates to a strong and better-performing community,” giit pa ng alkalde.

Katuwang din ng lokal na pamahalaan ang Home Development Mutual Fund, na mas kilala bilang Pag-IBIG Fund, upang lalong matulungan ang mga magpapakasal sa kanilang pagsasama sa pamamagitan ng mga sari-saring programa gaya ng loans sa housing, calamity, at multi-purpose loans.

Ang bawat magsing-irog ay magiging kasapi ng nasabing ahensiya ng pamahalaan sa ginawang hakbang na ito ng pamahalaang lungsod ng Navotas na lubos na makakatulong sa dagliang pagpopro-seso ng mga kinakailangang dokumento upang makakuha ng mga benepisyo ng Pag-IBIG Fund.

Ani Tiangco, na kasal na sa loob ng anim na taon, nasisiyahan siya kapag namamalas ang mga ngiti sa labi ng mga nagmamahalan kapag ginaganap ang civil mass weddings dahil ito ay senyales na pinahahalagahan pa rin ang kasal makaraan man ang ilang taon ng pagsasama sa ilalim ng iisang bubong.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.