100 kilong pawikan, ni-rescue sa Cebu

CEBU CITY – ISANG malaking pawikan ang natagpuan ng miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) kamakalawa ng umaga sa lungsod ng Tuburan sa Cebu.

Sa ngayon, ligtas at payapa na itong naibalik sa karagatan na pinangunahan ni Tuburan Mayor Democrito Diamante kasama ang agricultural officer ng nasabing lungsod na si Victoria Verano, katuwang din si Commodore Rey Martinez ng PCG.

Ang naturang green turtle ay may scientific name na Chelonia Maydas na may laki na 113 pulgada, habang may taas na 44 na pulgada at lapad na aabot sa 38 pulgada.

Dagdag pa rito, may timbang ang naturang pawikan na aabot sa 100 kilo.

Sinasabing ang naturang higanteng pawikan ay isa na sa mga endangered species.

(Parazzi Reportorial Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.